<
hindi na maganda ang dinadaloy ng ating relasyon.
ayaw mo sa akin at gayundin ako sa iyo.
ang relasyon natin ay isang mutual kung saan ayaw na natin sa itinatakbo ng ating relasyon na bulok na at hinihintay na lamang na tuluyang madecompose at maging pataba na lamang sa lupa.
lalong lumalala ang mga di pagkakaintindihan sa paglipas ng bawat araw na tayo ay magkasama.
walang nangyayaring positibo, o kung meron man ay natatabunan na ito ng mga negatibo.
wala ng saysay pa pag pinagpatuloy pa natin ito.
o sadya lang bang naghihintay na lamang tayo ng hudyat ng paghihiwalay na tunay?
tayo ay tulad ng isang nabubulok na kahoy na hinihintay na lamang gumuho bago tuluyang maging kapaki-pakinabang sa lupa.
September 6th, 2007 at 7:52 am